I’m still not over you.
Eotthoke?
Meron talagang pagkakataon na hindi mo alam kung anong gagawin mo. Hindi mo alam kung susunod ka nalang sa agos ng buhay o pagdedesisyunan mo talaga at pag-iisipan ang gagawin. Dumarating tayo sa pagkakataon na magulong-magulo na isip natin at wala tayong magawa kundi ang tumunganga at mag-isip kung ano ang susunod na mangyayari. Ano ba ang kailangan nating gawin para mahalin din tayo ng taong mahal natin? Magpapakatotoo ba tayo? Magbabago? Ano? Nakakatawang isipin na ang galing galing natin magbigay ng advice sa iba, pero sa sarili natin hindi natin magawa. Puro question mark. Katulad ko, hanggang ngayon, puro question mark laman ng utak ko.











